Sunday, March 16, 2014

Ninja Moves

     Tagal kong hindi nakapagsulat ah, naging busy kasi sa bago kong LOVE LIFE, pansin nyo ba? ALL CAPS ANG LOVE LIFE KO, kasi pinagmamalaki ko to kahit maliit lang sya at ako ang tunay na malaki.

     At dahil sa mga di inaasahang pangyayari na naganap, I-fast forward ko na ang palabok, panis na kasi.. me bago na kong favorite, SEAFOODS, although nangangati ako pag kumakain ng hipon,crab at kung ano2 pang seafoods, pang mayaman kasi yun. Ang alam ko lang kasi na seafoods dati ay mackerel tuyo, dilis, daing, tinapa, 555, rosebowl at ligo. hehehe...

     Mula sa unang pagtatagpo at unang paguusap, dun ko sisimulan itong aking bagong isusulat. Nasungitan talaga ko sa kanya nung una, pero sabi ng puson ko ay puso pala, dapat ko tong I-push, nagbabakasakali lang naman akong mapansin at kanyang ibigin, IBIGIN agad?! grabe! sobrang bilis ko naman sa aking pantasya, ibigin agad.. e ni hindi ko pa naman sya nakakausap ng masinsinan... ni hindi ko pa nga alam ang kanyang buong pangalan, edad, address, cellphone number, suking tindahan at lakipan ng proof of purchase.. Ano daw? nababaliw na naman ako sa mga naiisip ko at nasasabi dito, ganun ba talaga ang epekto ng pag-ibig? para kang lutang, para kang nanaginip sa tanghaling tapat.

     Ang tunay na lalake, magaling mag ninja moves... yan ang isa sa mga kasabihan na paborito ko, alam nyo ba bakit? nakuha ko ang YM nya, gamit ang ninja moves na yan.. kung merong keylogger, meron akong eye logger.. hahaha... alam nyo paano un? lumapit ako kay Elaine at Aileen, sila ung mga malalapit na kaibigan ni Erica, ee sinaktuhan ko talagang nag yym sila para maview ko at ma eyelogger ang YM account ni Erica. nahihiya kasi ako magtanong, alam mo naman, puro bully mga kasamahan ko d2, lalo na si Elaine na alaskador at si Aileen na mapang-api. hehehe, saktong sakto, nakita ko, ericangkang@yahoo.com shet naka register na sa eyelogger ko ang ym account nya..

     Dali dali akong bumalik saking pwesto at naglogin saking YM account 
Username: Jayjay_Ramos
Password: ***********************************

Search User
Username/Email: ericangkang@yahoo.com

Searching........

One user Found
Erica Kang        Add   

Lintik na buhay to! jackpot! inadd ko na sya saking YM.. time to make my moves...

Erica Kang Accepted Your Friend Request... 

Shet na malagket! 1 buwan bago nya ko inaccept.. napanis na ko kakaantay ng lecheng confirmation na yan...

Jayjay: BUZZ!
Ericangkang; Sino to?
JayJay is typing....

teka tamad na ko.. maya2 muna, maglunch na ee.. hehehee




No comments:

Post a Comment