Wednesday, February 12, 2014

Pantasya sa araw ng mga puso

     Hello guys! Advance Happy Valentines po sa inyo, sa inyo lang siguro happy, ako kasi si JayJay, ang lalaking NGSB(No Girlfriend Since Birth)... Pero muntik na ko magka GF ee, muntik ko ng maging kasintahan si Erica. Pero I won't get into details sa ngaun, mahabang story pa kasi. but since I'll be posting this story, ma hint na kayo na hindi kame nagkatuluyan.

     Since Valentines, share ko sa inyo ang aking very romantic plan "sana" for her... eto ang plan ko.
  1. Papasok ako ng maaga, bibili ng bulaklak sa dangwa
  2. Papasok sa office, iiwan ang bulaklak sa lamesa nya
  3. Lalabas ng office, magaalmusal muna
  4. Will make sure na mauunang papasok si Erica, bago ako bumalik
  5. Magpapatay malisya, makikiusyoso kung sakaling merong commotion dahil sa bulaklak.
  6. Tetext ko sya, will ask her if nagustuhan nya ang flowers
  7. Bobolahin maghapon at aayaing manood ng movie after office
  8. Manonood kame ng "Starting over again sa sine"
  9. Mag Dinner sa Mcjalibi, syempre Palabok Special ang order namin
  10. Ihahatid sya sa bahay
  11. Magaantay ng Goodnight kiss bago umuwi.
Shet na malagkit, what a brilliant plan, what a brilliant mind that I possess to come up with this brilliant idea :)

Kaso wala ee, in reality, I'll come to work late, pretend that I'm busy the whole day, Go home. Yan ang Valentines ko, ayoko rin naman tumambay sa mall kahit friday bukas, mainggit lang ako for sure sa mga "LOVE BIRDS" na maglilipana sa mall...

Monday, February 10, 2014

Unang pagtatagpo

     Si JayJay nga pala ulit, kwento ko naman ang 1st time kong nakilala ang unang babaeng nagpatibok at nagwasak sa aking pihikang puso. Nahire ako bilang isang empleyado sa "Ihaw-Ihaw Barbeque Online". Nagbebenta kame ng made to order bbq online. Cool ang office namen, pwede ka mag order ahead of time thru internet then pagpunta mo sa office me merong place for the customers to eat their orders, meron din namang pickup, kukunin mo ung orders mo sa mismong office. Or pwede ring ideliver sa mismong bahay nyo. Ano ang trabaho ko dito? ako lang naman ang tigapaypay ng bbq. Teka nga, kwento ko muna ang girl na akala ko syang destiny ko.

     Sya nga pala si Erica, ang aming tiga tuhog ng bbq at tiga timpla. unang kita ko palang sa kanya nahulog na ang loob ko sa kanya. Sa tangkad nyang taglay, swak na swak sya sa loob ng puso ko, para dun na ikulong sa habang panahon. Ang cheesy ko na pala, pero kidding aside, She's the apple of my eye, toyo of my siomai, peanut butter on my tinapay and tuna mayo on my monay. Cheesy ko na nga nagutom pa ko sa mga nasabi ko.

     Tandang tanda ko pa nung una ko syang nakilala, lunch break noon, gutom na gutom ako and I'm craving for my favorite Mcjalibi Palabok, ako naman hangos sa pagpunta sa mcjalibi to order my favorite palabok. Pagpasok ko sa Mcjalibi, for god sake, blockbuster ang pila. buti na lang nakita ko si Erica, nakapila malapit na sa counter, out of hunger kinausap ko sya for the first time.

Ako: Ui, officemate kita db? kaw yung bago? ako nga pala si JayJay ung tiga paypay ng bbq. Erica: Ah, familiar ka nga, ako pala si Erica ang tigatuhog at tiga timpla ng bbq. Ako: uhm, mahaba ang pila, buti ka pa sa malapit na, nice meeting you, sige pila pa ko sa dulo para maka order na rin. Rica: Ay teka, baka gusto mo, sa kabilang pila pumila mas mabilis ang cashier dun kaso mas mahaba ang pila.

     Ganun ang una naming paguusap, sablay agad, kala ko isasabay nya na lang order ko, un pala hindi. Pero kahit ganun I still crush Erica.

Wednesday, February 5, 2014

Palabok 2: Pagpapakilala

     Ako nga pala si JayJay, isang simpleng mamayan ng Pilipinas, laking probinsya pero sa ngayon ay naninirahan at naghahanap-buhay sa lungsod ng Maynila. Bata palang ako mahilig na ko sa palabok, parang langit pag ako ay nakakakain sa Mcjalibi ng palabok, nung bata palang ako feeling ko nasa fine dining ako pag nasa Mcjalibi. Pagpasok mo palang sa pinto, babatiin ka na ng guwardiya, "Hello Mam / Sir welcome to Mcjalibi". Ang sosyal diba? pinagbubuksan ka na ng pinto babatiin ka pa. Tapos pag lalabas naman, "Comeback to Mcjalibi, thank you". Nakanang, ibang klase talaga sa Mcjalibi sosyal na sosyal ang dating. Pero noon yun, nung bata pa ako, pero ngaung malaki na ako, nalaman kong hindi pala sosyal ang Mcjalibi. Fast Food pala sya at hindi Fine Dining. Pero so what? I love the Mcjalibi Palabok.. Sobrang sarap nya, walang katulad, sauce palang thick na tapos me sahog pang hipon na walang balat, chicarong durog at kung ano pang sangkap na nagpapasarap sa aking Mcjalibi palabok. Sino kaya nakaimbento ng palabok? teka google ko muna or wikipedia..

-----------------------------------------itutuloy---------------------------------------------

Talahib Series : Palabok

Palabok



            Tok! Tok! Tok!, nadinig ko na merong kumakatok sa pinto ng aming munting opisina. Dumating na ang pinaabot kong Mcjalibi palabok para sa kanya, pogi points na naman to para sa akin galing sa kanya. “Andyan po ba si Erica?” tanong ng tropa ko sa baba na siyang pinakisuyo kong mag-abot ng palabok na aking binili kanina sa Mcjalibi. “Ako po yun, ano po ba yon?” ang tanong ng aking cutie-pie na si Erica. “Ah me nagpapaabot po ng Mcjalibi palabok.” Sagot ni tropa. “Wow! Sino nagbigay? Ang sweet naman nya, hihihi.” Yan ang pa cute na tugon ng aking cutie, pero sa loob loob ko, alam nya naman na sakin galing yun, ayaw nya lang malaman dito sa opis na meron na kameng pagkakaunawaan.