Palabok
Tok! Tok! Tok!, nadinig ko na merong
kumakatok sa pinto ng aming munting opisina. Dumating na ang pinaabot kong Mcjalibi palabok para sa kanya, pogi points na naman to para sa akin galing sa kanya. “Andyan
po ba si Erica?” tanong ng tropa ko sa baba na siyang pinakisuyo kong mag-abot
ng palabok na aking binili kanina sa Mcjalibi. “Ako po yun, ano po ba yon?” ang
tanong ng aking cutie-pie na si Erica. “Ah me nagpapaabot po ng Mcjalibi
palabok.” Sagot ni tropa. “Wow! Sino nagbigay? Ang sweet naman nya, hihihi.” Yan
ang pa cute na tugon ng aking cutie, pero sa loob loob ko, alam nya naman na
sakin galing yun, ayaw nya lang malaman dito sa opis na meron na kameng
pagkakaunawaan.
galing pre aabangan ko yung next :D
ReplyDelete:P
ReplyDelete