Friday, March 21, 2014

Friday I'm in love


I don't care if Monday's blue
Tuesday's gray and Wednesday too
Thursday I don't care about you
It's Friday I'm in love
Monday you can fall apart
Tuesday Wednesday break my heart
Thursday doesn't even start
It's Friday I'm in love

     Ano kinalaman ng kantang yan sa istorya ko? Gusto mo ba malaman? sigurado ka? walang iyakan? swear? oh cge, kwento ko na nga.. :D

     Mula sa 1st date namin ni Erica, naging constant textmate na kame, me times na di na kame natutulog kaka kwentuhan sa txt, me times naman na di sya nagttxt.. di ko nga magets bat ganun sya. Sa opisina naman, di kame nagpapansinan, sabi nya for safety purpose daw, ayaw nya ng issue sa office. Pero somethings fishy pa rin ee, single ako, single sya.. anong issue dun?

    Isang gabi magka text kame, nagiging sweet na kame ee, kaso puro sa text lang at ym.. sa personal hindi naman, feeling ko nga me pagkakaintindahan na kame ee. alam mo un, feeling ko MUTUAL na feelings namen, mahal ko sya, mahal na mahal nya ako.. mahal na mahal talaga? hehehe..:p wala pa kame endearment ee, pero oks lang, kulang na lang mag I LOVE YOU sya sakin pag magkachat kame at magkatext. 

Jay2: alam mo ang sweet2 mo sakin erica
Erica: syempre jayjay, sweet ako, pansin mo naman ang timpla ko ng bbq, manamis namis db
Jay2: oo nga ee, kaya malaki ang benta natin, dahil sa timpla mo ng bbq
Erica: Iniisip kasi kita habang nagmamarinade ako
Jay2: syet! so inspired ka habang nagmamarinade?
Erica: OO, feeling ko mukha mo ung nilalamas ko at binababad.. hehehe peace!
Jay2: ganun? gusto mo kaw lamasin ko? ay joke lang! hahahaha
Erica: bastos mo naman, pero oks lang, lamasin lang pala ee, pero di pa ngaun
Jay2: ee kelan ba?
Erica: uhm, October 25 is our big day!
Jay2: promise?
Erica: oo October 25 is our bigday! 
Jay2: sige magkita tau ah, excited na ko para sa big day natin.. :D

at un lang di na sya nagtext...

    Pagtingin ko sa calendar, October 25,2013.. Friday un ah! ayos to! matutupad na mga pangarap ko na maging kame ni Erica...

"I dont care if Mondays Blue.."    "Monday you can fall apart"
Sa pagpasok ko ng lunes, di nya na ko pinapansin at kinakausap, mapa txt man or chat.. di ko alam ano problema, para kong merong sakit na nakakahawa..

"Tuesday's gray and Wednesday too.."   "Tuesday Wednesday break my heart"
Till miyerkules ang cold nya pa rin, di ko na sya maramdaman.. :( tinetext ko naman sya at chinachat pero walang sagot.. what's going on? maybe she's planning something special? surprise ba sa big day namen?...

"Thursday I don't care about you.."   "Thursday doesn't even start"
Di na ko makatiis sa pang dedeadma nya! fuck! kakausapin ko na sya ng personal...
Lunch break nun, nagiisa lang syang kumakain sa isang sulok, nakatingin ako sa kanya ngunit ako'y di makalapit.. ng biglang dumaan si mang kanor at tumabi kay Erica, sabay clang naglunch.. wala na ko nagawa, di na ko nakalapit, umaasa na lang ako sa pangako nyang bukas ang big day namen...

"It's Friday I'm in love.."
Friday na! naligo ako ng bongga, nagsipilyo ng tatlong ulit bago pumasok sa opisina, Inaantay ko si Erica pumasok, kasi nagiwan ako ng note sa desk nya at isang bar ng tide, ay! bar pala ng chocolate un.. hehehe.. gusto ko lang makita ano magiging reaksyon nya.. 

9:00 sakto dumating si Erica...
Kasabay nya pumasok si Mang Kanor... parehas silang basa pa ang buhok at mukhang katatapos lang maligo.. masama ba tong iniisip ko? or what? Am I being paranoid? si Mang Kanor at Erica? Dinisregard ko na lang ang aking nasa isip at tinignan  ang reaksyon ni Erica sa note ko at chocolate.. 

nak ng tokwa, kitang kita ko pano nya na crumplee at shinoot sa basurahan ang note without even reading it, then she splits the chocolate bar into, sharing it to Mang Kanor. while saying
"Babhie, eat some chocolate, to hype you up, alam kong napagod ka sa gnawa natin.."

Tangina ano raw? Babhie?? Babhie?? shet! ano to!! nadurog ang puso ko.. nadurog!!

Next post ang revelation ng lahat2...











Monday, March 17, 2014

Basketball at First date

     Sa mga di nakakaalam at nagaakalang weak ako, naka 1st date naman ako kay Erica...Constant textmate na kame ee, magka YM pa... so nagkakahulihan na kame ng loob, I open my world to her, and she opened her world to me.. yun ang akala ko...

     Malihim kasi tong si Erica, kala ko magiging transparent kame sa isat isa.. pero saka ko na kwento un, baka kasi mahulaan nyo ang ending ng erotic story ko, ay love story pala to.. hahaha.. nakwento ko sa kanya na mahilig ako sa basketball, naglalaro ako ng basketball sa talahiban, sa semento, sa covered court, sa lupa, sa CR, sa kwarto, at sa kung saan pa basta me makakalaro ako, minsan magisa lang ako, lalo na sa CR at sa kwarto, basta me dyaryo lang or magasin na fhm talo2 na, basketball na.. ay pucha! iba na nasasabi ko ah.. wahahaha! kidding aside, player ako ng barangay namen, barangay talahib player kea ako.. my killer move is the crossover, turnaround layup.. malupit ako sabi ng mga kabarangay ko. un ang isa sa mga kwento ko kay Erica, ung paglalaro ko ng basketball. then nakwento nya rin na magagaling ang kuya nya sa basketball, mvp nga daw ee, kaso sa mosquito naglalaro ee junior na ang dapat nilalaruan.. so nagpayabangan kame nun, lalo na sa usapang slamdunk at kuroko.. minsan nakakapikon na rin. so niyaya ko sya.. tara para magkaalaman na, laro tayo sa arcade ng shootout, sa sa SM-Robinsons manila. ang matatalo manlilibre ng snacks..

     Shet di ko naisip na nagyayaya na pala ako ng date kay Erica unconciously... tangina kasing basketball to, bat ba ang yabang2 ko.. e sa kwento ko lang naman at pangarap ako magaling... sa realidad, lalampa lampa ako at isang move lang ang alam ko.. crossover, nawawala pa lagi sakin ang bola at naagaw.. kea nga tinawag nila ako sa amin na Jayjay the killer crossover, once I tried my crossover, nadadapa ako at napipilay ko ang nagbabantay sakin.. minsan ako ung napipilay. shooting ko naman 1 out of 100.. shet.. sa isip ko kasi ako si Taiga, minsan si Midorima,grabe, kakanood ko ng anime at kuroko feeling ko magaling na ko.. pero hayaan mo na atleast nayaya ko sya mag date...

     "OO cge ba!" parang huni ng ibong tiririt at awit ng ibong adarna, parang nagkakalansingang tig pipisong nalaglag sa sahig, parang kampana ng simbahan ang naging tunong sa aking tenga ng kanyang mga sagot..

     "basta mcjalibi palabok ang  snacks ah" yan ang mas nakakatuwa pa, favorite kong palabok ang premyo. makakadate ko na si ERICA, mananalo pa ko.. MANANALO ako? ay pusang gala! sure ba ko? bahala na, basta ang mahalaga magdadate kame.. :D

     After ng trabaho, niyaya ko na sya using YM...

Jay2: BUZZ!
Erica: ows!
Jay2: 6pm na tara na... ung pustahan natin
Erica: ay ganun? cge mauna ka na, susunod na lang ako.
Jay2: san tayo magkita? ayaw mo ba sabay tayo?
Erica: ayoko ee, alam mo naman d2 sa barbequhan natin ma tsismis, baka ma chismis tayo
Jay2: so ano plan?
Erica: mauna ka na sa simbahan, alam mo na un db? antayin mo ko
Jay2: cge2...

un nga nauna na ko sa simbahan, gang sa pinto lang ako, di ako makapasok ee, naninigurado lang ba.. ayoko namang abutan ni Erica na umaapoy or Abo na lang..

yun dumating na sya, nagpunta na kame sa mall, sabay diretso ng Tom's Zone... bili agad ako ng power card...

So sa unang swipe ng card, ako ang nauna, confident ako ee at to put more pressure on her..

after 60 seconds and endless throwing of ball

Jayjay : 10 pts! beat it miss Erica!

Erica: yan na un? ako naman ah...

After 60 seconds:
Erica: 100pts lang ako ee.. so pano ba yan?

at yun nga ang nangyari sa aming unang date, tinalo nya ko sa basketball at nanlibre ako ng snacks..
well gentleman ako ee, kea ganun.. :D






Sunday, March 16, 2014

YM Escapade

This summary is not available. Please click here to view the post.

Ninja Moves

     Tagal kong hindi nakapagsulat ah, naging busy kasi sa bago kong LOVE LIFE, pansin nyo ba? ALL CAPS ANG LOVE LIFE KO, kasi pinagmamalaki ko to kahit maliit lang sya at ako ang tunay na malaki.

     At dahil sa mga di inaasahang pangyayari na naganap, I-fast forward ko na ang palabok, panis na kasi.. me bago na kong favorite, SEAFOODS, although nangangati ako pag kumakain ng hipon,crab at kung ano2 pang seafoods, pang mayaman kasi yun. Ang alam ko lang kasi na seafoods dati ay mackerel tuyo, dilis, daing, tinapa, 555, rosebowl at ligo. hehehe...

     Mula sa unang pagtatagpo at unang paguusap, dun ko sisimulan itong aking bagong isusulat. Nasungitan talaga ko sa kanya nung una, pero sabi ng puson ko ay puso pala, dapat ko tong I-push, nagbabakasakali lang naman akong mapansin at kanyang ibigin, IBIGIN agad?! grabe! sobrang bilis ko naman sa aking pantasya, ibigin agad.. e ni hindi ko pa naman sya nakakausap ng masinsinan... ni hindi ko pa nga alam ang kanyang buong pangalan, edad, address, cellphone number, suking tindahan at lakipan ng proof of purchase.. Ano daw? nababaliw na naman ako sa mga naiisip ko at nasasabi dito, ganun ba talaga ang epekto ng pag-ibig? para kang lutang, para kang nanaginip sa tanghaling tapat.

     Ang tunay na lalake, magaling mag ninja moves... yan ang isa sa mga kasabihan na paborito ko, alam nyo ba bakit? nakuha ko ang YM nya, gamit ang ninja moves na yan.. kung merong keylogger, meron akong eye logger.. hahaha... alam nyo paano un? lumapit ako kay Elaine at Aileen, sila ung mga malalapit na kaibigan ni Erica, ee sinaktuhan ko talagang nag yym sila para maview ko at ma eyelogger ang YM account ni Erica. nahihiya kasi ako magtanong, alam mo naman, puro bully mga kasamahan ko d2, lalo na si Elaine na alaskador at si Aileen na mapang-api. hehehe, saktong sakto, nakita ko, ericangkang@yahoo.com shet naka register na sa eyelogger ko ang ym account nya..

     Dali dali akong bumalik saking pwesto at naglogin saking YM account 
Username: Jayjay_Ramos
Password: ***********************************

Search User
Username/Email: ericangkang@yahoo.com

Searching........

One user Found
Erica Kang        Add   

Lintik na buhay to! jackpot! inadd ko na sya saking YM.. time to make my moves...

Erica Kang Accepted Your Friend Request... 

Shet na malagket! 1 buwan bago nya ko inaccept.. napanis na ko kakaantay ng lecheng confirmation na yan...

Jayjay: BUZZ!
Ericangkang; Sino to?
JayJay is typing....

teka tamad na ko.. maya2 muna, maglunch na ee.. hehehee