Malihim kasi tong si Erica, kala ko magiging transparent kame sa isat isa.. pero saka ko na kwento un, baka kasi mahulaan nyo ang ending ng erotic story ko, ay love story pala to.. hahaha.. nakwento ko sa kanya na mahilig ako sa basketball, naglalaro ako ng basketball sa talahiban, sa semento, sa covered court, sa lupa, sa CR, sa kwarto, at sa kung saan pa basta me makakalaro ako, minsan magisa lang ako, lalo na sa CR at sa kwarto, basta me dyaryo lang or magasin na fhm talo2 na, basketball na.. ay pucha! iba na nasasabi ko ah.. wahahaha! kidding aside, player ako ng barangay namen, barangay talahib player kea ako.. my killer move is the crossover, turnaround layup.. malupit ako sabi ng mga kabarangay ko. un ang isa sa mga kwento ko kay Erica, ung paglalaro ko ng basketball. then nakwento nya rin na magagaling ang kuya nya sa basketball, mvp nga daw ee, kaso sa mosquito naglalaro ee junior na ang dapat nilalaruan.. so nagpayabangan kame nun, lalo na sa usapang slamdunk at kuroko.. minsan nakakapikon na rin. so niyaya ko sya.. tara para magkaalaman na, laro tayo sa arcade ng shootout, sa sa SM-Robinsons manila. ang matatalo manlilibre ng snacks..
Shet di ko naisip na nagyayaya na pala ako ng date kay Erica unconciously... tangina kasing basketball to, bat ba ang yabang2 ko.. e sa kwento ko lang naman at pangarap ako magaling... sa realidad, lalampa lampa ako at isang move lang ang alam ko.. crossover, nawawala pa lagi sakin ang bola at naagaw.. kea nga tinawag nila ako sa amin na Jayjay the killer crossover, once I tried my crossover, nadadapa ako at napipilay ko ang nagbabantay sakin.. minsan ako ung napipilay. shooting ko naman 1 out of 100.. shet.. sa isip ko kasi ako si Taiga, minsan si Midorima,grabe, kakanood ko ng anime at kuroko feeling ko magaling na ko.. pero hayaan mo na atleast nayaya ko sya mag date...
"OO cge ba!" parang huni ng ibong tiririt at awit ng ibong adarna, parang nagkakalansingang tig pipisong nalaglag sa sahig, parang kampana ng simbahan ang naging tunong sa aking tenga ng kanyang mga sagot..
"basta mcjalibi palabok ang snacks ah" yan ang mas nakakatuwa pa, favorite kong palabok ang premyo. makakadate ko na si ERICA, mananalo pa ko.. MANANALO ako? ay pusang gala! sure ba ko? bahala na, basta ang mahalaga magdadate kame.. :D
After ng trabaho, niyaya ko na sya using YM...
Jay2: BUZZ!
Erica: ows!
Jay2: 6pm na tara na... ung pustahan natin
Erica: ay ganun? cge mauna ka na, susunod na lang ako.
Jay2: san tayo magkita? ayaw mo ba sabay tayo?
Erica: ayoko ee, alam mo naman d2 sa barbequhan natin ma tsismis, baka ma chismis tayo
Jay2: so ano plan?
Erica: mauna ka na sa simbahan, alam mo na un db? antayin mo ko
Jay2: cge2...
un nga nauna na ko sa simbahan, gang sa pinto lang ako, di ako makapasok ee, naninigurado lang ba.. ayoko namang abutan ni Erica na umaapoy or Abo na lang..
yun dumating na sya, nagpunta na kame sa mall, sabay diretso ng Tom's Zone... bili agad ako ng power card...
So sa unang swipe ng card, ako ang nauna, confident ako ee at to put more pressure on her..
after 60 seconds and endless throwing of ball
Jayjay : 10 pts! beat it miss Erica!
Erica: yan na un? ako naman ah...
After 60 seconds:
Erica: 100pts lang ako ee.. so pano ba yan?
at yun nga ang nangyari sa aming unang date, tinalo nya ko sa basketball at nanlibre ako ng snacks..
well gentleman ako ee, kea ganun.. :D
No comments:
Post a Comment