Si JayJay nga pala ulit, kwento ko naman ang 1st time kong nakilala ang unang babaeng nagpatibok at nagwasak sa aking pihikang puso. Nahire ako bilang isang empleyado sa "Ihaw-Ihaw Barbeque Online". Nagbebenta kame ng made to order bbq online. Cool ang office namen, pwede ka mag order ahead of time thru internet then pagpunta mo sa office me merong place for the customers to eat their orders, meron din namang pickup, kukunin mo ung orders mo sa mismong office. Or pwede ring ideliver sa mismong bahay nyo. Ano ang trabaho ko dito? ako lang naman ang tigapaypay ng bbq. Teka nga, kwento ko muna ang girl na akala ko syang destiny ko.
Sya nga pala si Erica, ang aming tiga tuhog ng bbq at tiga timpla. unang kita ko palang sa kanya nahulog na ang loob ko sa kanya. Sa tangkad nyang taglay, swak na swak sya sa loob ng puso ko, para dun na ikulong sa habang panahon. Ang cheesy ko na pala, pero kidding aside, She's the apple of my eye, toyo of my siomai, peanut butter on my tinapay and tuna mayo on my monay. Cheesy ko na nga nagutom pa ko sa mga nasabi ko.
Tandang tanda ko pa nung una ko syang nakilala, lunch break noon, gutom na gutom ako and I'm craving for my favorite Mcjalibi Palabok, ako naman hangos sa pagpunta sa mcjalibi to order my favorite palabok. Pagpasok ko sa Mcjalibi, for god sake, blockbuster ang pila. buti na lang nakita ko si Erica, nakapila malapit na sa counter, out of hunger kinausap ko sya for the first time.
Ako: Ui, officemate kita db? kaw yung bago? ako nga pala si JayJay ung tiga paypay ng bbq. Erica: Ah, familiar ka nga, ako pala si Erica ang tigatuhog at tiga timpla ng bbq.
Ako: uhm, mahaba ang pila, buti ka pa sa malapit na, nice meeting you, sige pila pa ko sa dulo para maka order na rin.
Rica: Ay teka, baka gusto mo, sa kabilang pila pumila mas mabilis ang cashier dun kaso mas mahaba ang pila.
Ganun ang una naming paguusap, sablay agad, kala ko isasabay nya na lang order ko, un pala hindi. Pero kahit ganun I still crush Erica.
i would like to thank... sa writer ng talahib series... masaya... masaya ang unang pagtatagpo ngunit tsk tsk... sablay pala agad sa unang pag uusap pa lang... akala ko makaka points na eh... so abangan na lang muna natin ang mga susunod na kabanata.
ReplyDelete